Pinag-aaralan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang fare hike petition na inihain ng ilan pang public utility vehicles o PUVs.
Ayon sa LTFRB, mula sa 10 piso, humirit ng dagdag 3 piso sa unang limang kilometro ang mga ordrinary na city buses habang 5 piso naman para sa air-conditioned.
Ang mga provincial buses naman, mula sa 9 na piso ay nais nila itong gawaing 11 piso at 95 sentimo sa unang limang kilometro habang inihirit naman ng UV Express ang apat na piso kada kilometro mula sa dalawang piso.
Una rito, pinayagan na ng LTFRB ang hirit na one peso provisional fare increase ng mga jeepney na ikinatuwa naman ng mga transport group.
Ayon kay Fejodap President Zenaida Maranan, malaking tulong ito lalo’t patuloy sa pagtaas ng presyo ang mga produktong petrolyo.
—-