Pansamantalang itinigil ng Toronto Raptors ang pagbebenta sa mga home games sa loob ng tatlong linggo dahil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19.
Bukod pa diyan, kinansela narin ng NBA ang ilan pang games at trainings ng mga team dahil sa COVID-19 surge.
Ito ay dahil mas nadagdagan pa ang bilang ng mga players at coach ang isinailalim ngayon sa quaratine isolation matapos tamaan ng Coronavirus disease.
Sa ngayon, ito na ang ika-labing isang laro sa NBA na nagkansela ng schedule dulot ng COVID-19 outbreak. —sa panulat ni Angelica Doctolero