Ilan pang opisyal ng gobyerno ang sinibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa mass oath-taking ceremony ng mga bagong talagang opisyal sa Malakanyang, kahapon.
Bagaman hindi pinangalanan ni Pangulong Duterte, inamin nito na kabilang sa mga sinipa niya sa trabaho ay kanyang mga supporter.
Una ng inamin ni Labor Undersecretary Dominador Say na nagbitiw na siya sa pwesto kahapon habang noong isang linggo ay nagpaalam si Vitaliano Aguirre bilang Justice Secretary.