Labinlima pang gusali ang nabawi ng mga tropa ng gobyerno mula sa ISIS-Maute group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman, Brig. Gen. Restituto Padilla, mahigit limandaang armas na anya ng mga terorista ang kanilang narekober simula noong Mayo a-bente tres.
Tinatayang isanlibo pitundaang sibilyan naman anya ang narescue mula sa mga terorista.
Nagdeploy na rin ang army ng civil-military operations regiment sa lungsod bilang inisyal na hakbang para sa rehabilitasyon ng lungsod.
Pagsusupply ng mga armas ng Amerika upang labanan ang ISIS-Maute group, kinumpirma ng pangulo
Samantala, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-su-supply ng mga armas ang Amerika sa Armed Forces of the Philippines upang labanan ang ISIS-Maute group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ito’y sa kabila ng nagpapatuloy na mga patutsada ni Pangulong Duterte at kahit sinuplayan din ng Tsina ng mga baril at bala ang mga tropa ng gobyerno.
Gayunman, nilinaw ng punong ehekutibo na walang mga bagong military alliances ang Pilipinas sa ibang bansa kahit mayroong iba pang pinagkukunan ng mga armas at bala.
Isa anyang paglabag sa RP-US agreement sakaling pumasok ang Pilipinas sa isa pang kasunduan.
Samantala, bukas naman si Pangulong Duterte sa lahat ng tulong para sa karagdagang firepower na magmumula sa ibang bansa.
By Drew Nacino