Susunod na target umano ng China ang maangkin na rin ang ilan pang mga isla sa Karagatang Pasipiko partikular na ang Guam na teritoryo ng Amerika.
Ito ang inihayag ng military analyst at dating Adviser ng US Defense Company para sa US Pacific Command na si Jose Antonio Custodio sa panayam sa kaniya ng pahayagang The Straight Times ng Amerika.
Sinabi ni Custodio, magkakasa ng defense line ang Pilipinas at Amerika para mapigilan ang pagtawid ng China sa Karagatang Pasipiko sa sandaling matapos na nitong maangkin ang kabuuan ng West Philippine Sea.
Giit pa ni Custodio, maaaring magamit ng tropa ng Amerika ang may walong base militar ng Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA na tatagal ng 10 taon.
Sa kasalukuyan, wala pa ring pasya ang Korte Suprema hinggil sa ligalidad ng EDCA na kinuswestyon ng ilang kritiko nito.
By Jaymark Dagala