Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na bubuksan sa susunod na taon ang ilan pang Kadiwa Store sa ibat-ibang rehiyon sa bansa.
Ayon kay DA Asec. Kristine Evangelista, umabot na sa mahigit 350 Kadiwa ng Pasko ang naitayo sa ilalim ng Administrasyong Marcos.
Sinabi ni Evangelista, na marami nang farmers cooperative ang natulungan ng ahensya na kumikita ng libu-libo sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang agricultural products sa mga mamimili.
Tiniyak ng ahensya na mas marami pang Kadiwa Store ang ilulunsad sa Metro Manila kung saan, target nilang gawing tatlo ang Kadiwa ng Pasko Store sa bawat mga lungsod.
Sinisilip na rin ng DA ang posibilidad na gawing araw-araw ang pagbebenta sa naturang mga produkto upang mas marami pang magsasaka at mga miyembro ng Micro and Small Medium Enterprises (MSME) ang matulungan sa kanilang agricultural products.
Samantala, hinikayat naman ng DA ang publiko na sa mga Kadiwa ng Store na lamang bumili, upang mas makatipid dahil 50% itong mas mura kumpara sa mga pamilihan.
Bukod pa dito, matutulungan din ng mga mamimili ang mga magsasaka sa kanilang ibinebentang produkto.