Namemeligro pang tumagal ang biyahe ng mga motorista patungong Bicol, Eastern Visayas at Mindanao pabalik ngayong holiday season.
Ito’y makaraang mapinsala ang iba pang kalsada sa ilang bahagi ng camarines sur bunsod ng walang tigil na pag-ulan.
Maliban sa Andaya Highway sa Bayan ng Lupi, na inayos kamakailan, nakitaan din ng mga sira, gaya ng mga bitak ang Maharlika Highway sa Libmanan.
Kinumpirma ng Libmanan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office namataan ang lumaking bitak sa Barangay Bikal.
May bitak at bako rin ang southbound lane ng maharlika highway na bahagi ng road widening project ng DPWH kaya’t asahan pa ang mabigat na daloy ng trapiko na sasalubong sa mga dumaraan sa Camsur sa mga unang araw ng taong 2025.
Bagaman wala pang pahayag ang DPWH Regional Office-5 kung kailan masisimulan ang repair, tiniyak ng Camarines Sur Provincial Police Office na handang umalalay ang pulisya para mapanatili ang maayos na daloy ng mga sasakyan.