Namemeligro na ring magmahal ang mga matatamis na sitsirya dahil sa pagtaas ng presyo ng asukal.
Ito ang inamin ni Philippine Confectionary Biscuit Snacks Association President Kissinger Sy sa gitna ng numinipis na supply ng refined sugar.
Magugunitang sumirit na sa mahigit P100 ang kada kilo ng refined sugar sa ilang pamilihan.
Ayon kay Sy, posibleng apektado na rin ng sugar price increase ang mga manufacturer ng mga matatamis na sitsirya.
Hindi na anya nakapagtataka kung may ilang maliit na negosyo na kulang sa pambili ng asukal ang magsara o magtipid.
Samantala, bukod sa tinapay ay nakatakda na ring itaas ng mga panadero ang presyo ng cake at iba pang pastry dahil sa mahal na asukal, mantika at iba pang cost input.
Inihayag ni Philbaking President Johnlu Koa na posibleng sa setyembre pa ipatupad ng adjustment sa presyo ng kanilang mga produkto depende sa magiging tugon ng Department of Trade and Industry sa kanilang hiling.