Ilan pang kumpanya ng langis ang nagpatupad ng katiting na rollback sa presyo ng kanilang mga produkto.
Epektibo alas-6:00 ngayong umaga inilarga ng Caltex, Petron, Unioil, Jetti, Phoenix Petroleum, Total, PTT Philippines at Flying V ang diyes sentimos (P0.10) na tapyas presyo sa kada litro ng diesel at gasoline.
Habang bente singko sentimos (P0.25) sa kada litro ng kerosene o gaas.
Ang buena manong rollback ngayong unang linggo ng Agosto ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng krudo sa international market matapos ang sunud-sunod na price increase noong Hulyo.
—-