Kaugnay ng inagurasyon ni President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bukas ay nagdeklara na rin ang ilan pang lungsod sa National Capital Region ng Special Non-Working Holiday.
Bukod sa lungsod ng Maynila, nilagdaan ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, San Juan City Mayor Francis Zamora at Navotas City Mayor Toby Tiangco ang mga executive orders na nagdedeklara ng Special Non-Working Holiday, bukas.
Samantala, ito anila ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa lungsod sa harap ng pagsasara ng mga kalsada at inaasahang mga kilos-protesta sa inagurasyon ni Marcos.