Napili ni President-Elect Ferdinand Marcos Jr., si Dating Senate President Juan Ponce Enrile bilang kanyang presidential legal adviser.
Sinabi ni Incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na tinanggap na ng 98-year Old Veteran Lawmaker ang nasabing posisyon.
Samantala, tinanggap rin ni Outgoing Justice Sec. Menardo Guevarra ang nominasyon bilang solicitor general ng susunod na administrasyon.
Habang si Former Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, Retired Gen. Jose faustino jr., ang itinalaga bilang Senior Undersecretary at Officer-In-Charge ng Department of National Defense.
Matatandaang nagretiro si Faustino noong November 12, 2021, kaya sa November 13, 2022 pa ito makakaupo sa pwesto alinsunod sa one-year ban ng appointment ng retired military officers sa ilalim ng republic act 6975.