Mayroon pang inirekomenda ang panel of prosecutor ng Department of Justice sa Manila Police District na dapat imbestigahan kaugnay sa pagpatay sa U.S.T. Law student na si Horacio “atio” Castillo the Third.
Ayon kay Acting Prosecutor-General George Catalan, inirekomenda nilang imbestigahan ng M.P.D. dahil sa posibilidad ng pagkakasangkot sa krimen sina zach Abulencia, Daniel Ragos, Dave Felix, Sam Cagalingan;
Alex Cairo, Luis Capulong, Kim Cyrill Roque, Ged Villanueva, Edric Pilapil at R.R. Magbuhos.
Ang mga nabanggit na indibidwal ay pinangalanan ng testigo at ka-brod nila sa Aegis Juris Fraternity na si Mark Anthony Ventura.
Samantala, ibinasura ng D.O.J. ang kaso laban kay Ventura dahil nasa ilalim na ito ng Witness Protection Program ng D.O.J.
Pinawalang-sala rin ng kagawaran dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya sina Jason Adolfo Robinos, Aaron Salientes, Rannie Rafael Santiago, Raymond Padro, Alex Bosi, Leo Laluces, Leonard Brian Galicia, Nathan Amarna, Chuck Cesar at Carl Matthew Villanueva.
-Bert Mozo