Ilan pang persons of interest sa pagpaslang, panggagahasa at pagsunog sa isang bank employee sa Pasig City ang posibleng ikunsidera bilang mga suspek.
Ayon kay Eastern Police District Director, Chief Supt. Romulo Sapitula, bukod sa truck driver na si Randy Oavenade at mekanikong si Diolan Asibuchi, tatlo pang pangalan ang maaari nilang ikunsidera bilang suspek sa pagpatay kay Mabel Cama.
Hindi naman pinangalanan ni Sapitula ang tatlong iba pang posibleng sangkot sa krimen pero ang malinaw anya ay pawang kapitbahay ni Cama sa isang private parking compound sa Rosario, Pasig City ang mga ito.
Tukoy na rin ng E.P.D. ang motibo sa pagpaslang subalit hindi muna nila ito isasapubliko upang hindi mabulilyaso ang imbestigasyon.