Sa gitna ng walang-patid na pag-atake ng Russia, ilan pang Pilipino ang nakauwi na mula sa Ukraine.
Ayon sa DFA, kahapon lamang ay apat pang Pinoy, tatlong Filipino-Ukrainian na bata at kanilang mga nanay na Ukranian ang dumating lulan ng Qatar Airlines flight.
Nagmula ang grupo sa Kyiv at iba pang bahagi ng Western Ukraine, na umalis sa warsaw, Poland noong sabado.
Tinulungan ang mga ito ng mga opisyal ng DFA na makabiyahe sa Lviv mula Kyiv at itinawid sa Polish border patungong Warsaw.
Dumating din kagabi ang dalawa pang Pinoy, isang batang Filipino-Ukrainian at kanyang nanay na Ukrainian habang tatlo pang Filipino mula Kyiv ang nakatakda ring umuwi sa Pilipinas.