Isinailalim na sa Immigration Lookout Bulletin Order sina dating Budget Secretary Florencio “butch” Abad, dating Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson at isang certain Nelson Ti, ang financier ng umano’y sindikato at malapit na kaibigan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kaugnay ito sa 8.7 Billion Peso right of way scam sa General Santos City kung saan dawit umano sina Abad, Singson, Ti at 41 iba pa.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kabilang din sa isinailalim sa I.L.B.O. sina Wilma Mamburam, Col. Chino Mamburam, Mercedita Dumlao, Leonardo Dinopol, Evelyn Paloso, Rudy Hadji Ong, Marissa Tiongson Seguirre at Mae Javier.
Magugunitang isiniwalat kamakailan ng testigong si Roberto Catapang Junior ang nabanggit na scam na nag-o-operate umano sa pamamagitan ng paggamit ng mga pekeng titulo at non-existent persons.