Nabakunahan na kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ilang miyembro sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito mismo ang kinumpirma ni Philippine Army chief Lieutenant General Cirilito Sobejana sa DWIZ, kasunod nang pagsiwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami na umanong sundalo ang naturukan na ng Sinopharm COVID-19 vaccine.
Hindi ko maibigay ‘yung accurate number, but I confirm na some of our members ay nabakunahan,” ani Sobejana.
Ani Sobejana, mayroon nang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa hanay ng militar, ngunit hindi nito tinukoy ang eksaktong bilang ng mga ito, maging kung anong bakuna ang itinurok.
Dagdag pa nito, hindi sya kabilang sa mga nabakunahan na kontra sa virus.
Samantala, positibo naman si Sobejana na magiging epektibo ang bakuna sa kanilang hanay upang mas makapagserbisyo aniya sila sa taumbayan.
We’re optimistic na ang nabigay na vaccine sa ating mga sundalo ay maging epektibo para mas makapagserbisyo tayo sa ating taongbayan,” ani Sobejana. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882