Kinilala ang 22 sa 37 sunog na bangkay mula sa natupok na N.C.C.C. Mall sa Davao City sa pamamagitan ng kanilang mga kaanak at mga gamit na kasamang narekober.
Ang mga ito ay sina Jeffrey Sismar, Mary Louielyn Bongcayao, Kurtchin Angela Bangoy, Joy Pabelonia, Christen Garzon, Jim Benedict Quimsing, Jonas Basalan, Jessica Samontina, Venus Joy Quimpo, Jimboy Limosnero, Christine Joy Ferraren;
Rosyl Montanez, Missy Rose Artiaga, Rhenzi Nova Muyco, Ivan Nebelle Roble, Elyn Joy Yorsua, Shiela Mae Bacaling, Roderick Antipuesto, Nancy Loyd Abad, Jessica Solis, Charlyn Liwaya at Melvin Ga-A.
Si Ga-A ay isa sa mga empleyado ng N.C.C.C. na naka-assign sa home décor section ng mall at hindi isang call center agent ng SSI.
Samantala, binisita kahapon ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang burol ng ilan sa mga biktima at nakiramay sa kanilang mga pamilya kasabay ng pagtiyak na makatatanggap ng tulong at suporta ang mga ito mula sa local government.