Posibleng magmula sa mga lokal na liga ang magiging bahagi ng Gilas Pilipinas sa pagsabak sa 5th window ng FIBA World Cup Asian Qualifier sa Nobyembre.
Bukod sa PBA, ipinabatid ng Gilas Coach Chot Reyes na posibleng manggaling din sa UAAP at NCAA ang ilan sa mga bubuo sa National Basketball Team.
Sinabi ni Reyes na nakausap na rin ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang dalawang local league para magkasa ng break upang mabigyang daan ang mga sasabak sa naturang torneo.
Sa ngayon ay nakaka tatlong panalo at talo na ang gilas na makakaharap ang team ng Jordan sa November 10 at pagkatapos ng tatlong araw ay sa Saudi Arabia naman sasabak.