Sugatan ang dalawang pasahero at 4 na crew ng Philippine Airlines (PAL) Flight PR 1103 mula sa Los Angeles sa Amerika matapos makaranas ng mid-air turbulence, alas-6:21 kaninang umaga.
Ayon kay Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, nakaranas ng mid-air turbulence ang kanilang eroplano habang papalapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang isang pasahero ay nagtamo ng sugat sa binti, habang ang isa ay sa mukha, at isa naman sa mga crew ang kinailangang magsuot ng neck brace.
Batay sa pahayag ng ilang pasahero, nagpatumbling-tumbling sila sa loob ng eroplano nang maranasan ang turbulence.
Narito ang statement mula sa PAL:
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)