Tinatayang nasa 1,800 vote counting machines (VCMs) ang nagkaroon ng aberya sa mismong araw ng halalan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Atty. Marcelo Bragado Jr. ng DepEd Election Task Force, iba’t iba ang naging dahilan ng pagpalya ng mga VCM.
Kaugnay nito, sinabi ni Bragado na inirerekomenda nila na huwag nang gamitin ang mga nasabing VCM sa susunod na eleksyon dahil maaari aniyang hindi na ito gumana.
Maliban dito, ilang problema rin ang naranasan kahapon na agad naman aniyang naresolba.