Gaganapin ang isa sa mga gagawing pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations sa Cagayan De Oro City sa darating na Hulyo.
Batay sa website ng ASEAN, pakay aniya ng naturang pagpupulong na talakayin ang preparasyon sa idaraos na selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN sa Clark, Pampanga sa Nobyembre.
Parte rin ang pagpupulong ng ASEAN Socio-Cultural Community Council sa responsibilidad ng bansa sa pangunguna sa ASEAN para sa buong taon.
Nakatuon ang konseho sa pagpapaigting ng human, cultural at natural resources para sa mga bansang sakop nito.
Maliban dito, una namang tatalakayin ang sining, film festivals at heritage programs pagdating sa kultura ng ASEAN members.
By: Mheann Tanbio