Pinaghahanda na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang mga ahensya sa pagtaas ng alert status ng Mayon.
Ito ang inihayag ni PBBM matapos itaas sa Alert level 2 ang Bulkang Mayon.
Ani ng Pangulo, patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga ahensya tulad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Local Government Unit (LGU) at iba pang ahensya para masiguro na ang lahat ay handa sa posibleng pagbago ng sitwasyon.
Itinaas ng PHIVOLCS ang Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay sa ilalim ng Alert level 2 dahil sa mababaw na propeso ng magmatic na posibleng mauwi sa phreatic eruptions o magmatic eruption.
Pinapayuhan ang publiko na huwag na munang pumasok sa Permanent Danger Zone (PDZ) upang maiwasan ang panganib mula sa biglaang pagsabog, pagbagsak ng bato at pagguho ng lupa. —sa panulat ni Jenn Patrolla