Hindi umano dapat na pagkalooban ng performance bonus ang ilang mga ahensya ng gobyerno na humihirit nito lalo na ang Social Security System o SSS.
Ayon kay Senador Ralph Recto, ito’y dahil malaki na ang tinatanggap na sahod at benepisyo ng mga opisyal ng SSS.
Iginiit pa ni Recto na mahina ang performance ng SSS pagdating sa koleksyon.
Kung talaga aniyang P35-billion ang income ng SSS, bakit hindi mairekomenda kay Pangulong Benigno Aquino III ang pagkakaloob ng kahit P1,000 dagdag sa pensyon ng mga retiradong miyembro ng SSS.
Binigyang-diin ng senador na masusukat ang tagumpay ng isang government agency kung masaya at kuntento ang mga miyembro sa tinatanggap nilang benepisyo.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)