Nagturuan ang ilang ahensya ng gobyerno sa pagdinig ng senado hinggil sa mababang produksyon ng asin sa bansa.
Sa hearing ng Senate Committee on Agriculture and Food, napuna ni Committee Chairperson at Senator Cynthia Villar ang pagbaba ng produksyon ng asin na nasa 42,000 metric tons na lamang ngayon
Kumpara ito sa 240,000 metric tons noong dekada sisenta hanggang sitenta.
Ang kasalukuyang produksyon ay katumbas lamang ng 7% ng demand sa asin at 15% lang sa dating na-i-po-produce ng bansa.
Nilinaw naman ni D.A.-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources OIC Director Demosthenes Escoto na hindi ang Department of Agriculture ang nangangasiwa sa salt industry maging sa pag-regulate nito.
Kahit ang Food and Drug Administration at ibang ahensya na imbitado sa pagdinig ay hindi rin masagot kung sino ang dapat nangangasiwa sa industriya ng pag-a-asin.
Samantala, natuklasan ding marami sa salt farmers ang tumigil na sa produksyon dahil walang kakayanan na gawing iodized ang asin alinsunod sa Republic Act 8172 o Asin Law.