Ibinunyag ng Department of Environment and Natural Resources na may ilang ahensya ng gobyerno ang nagbabayad ng milyon-milyong pisong konsumo sa tubig dahil sa mga hindi pa nakikitang tagas sa mga tubo.
Ayon kay DENR Undersecretary Carlos David, nagkaroon sila ng pag-aaral kasama ang dalawang water concessionaire kaugnay sa konsumo sa tubig ng mga government agency.
Dito napag-alaman na napakalaki ng bill ng ilang ahensiya at hinihinalang may tagas sa tubo ng tubig subalit hindi ipinapaayos.
Mayroon anyang mga government agency na nagbabayad ng ₱10 , 000,000 – ₱17, 000,000 kada buwan sa kanilang water bill habang ang iba ay hanggang 1 million pesos kada buwan.
Inabisuhan naman ng DENR ang mga ahensya na may malaking bill na maglagay ng water meter sa bawat gusali upang malaman kung anong building ang may malakas na konsumo at higit sa lahat ay magtipid sa paggamit ng tubig.