Nanawagan si Camarines Sur Representative Luis Raymund Villafuerte sa ilang ahensya ng pamahalaan, na mag-realign ng pondo upang maibalik ang operasyon ng libreng sakay program sa mga mananakay.
Hinimok ng mambabatas sina Transportation Secretary Jaime Bautista at Budget Secretary Amenah Pangandaman, na muling maglaan o maglipat ng pondo mula sa mga tanggapan at programang hindi masyadong napapakinabangan ng taumbayan.
Ginawa ang panawagan matapos palawigin kamakailan hanggang sa katapusan ng taon ang libreng sakay sa mga commuter sa EDSA bus carousel at libreng sakay ng mga mag-aaral sa Light Rail Transit (LRT-2) mula August 22 hanggang November 4.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) para matiyak ang libreng sakay program hanggang sa huling buwan ng taon, mangangailangan ang kanilang ahensya ng P1.4 billion na pondo para matiyak ang naturang implementasyon.
Samanatala, umaasa si Villafuerte na maikukunsidera ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ang naturang hiling na makapagbibigay benepisyo sa Metro Manila commuters.