Hindi pa tiyak ng Civil Aeronautics Board (CAB) kung nakabalik na ang isang daang porsiyentong kita ng mga airline companies.
Ayon kay CAB Deputy Executive Director Atty. Maria Elben Moro, dahil sa pandemya ay higit dalawang taong walang biyahe kaya’t marami pang kailangang bawiing kita ang mga kompanya.
Sa ginanap na Laging Handa public briefing, sinabi ni Moro na sa ngayon ay patuloy nilang mino-monitor ang galaw ng pasahe, fuel surcharge, pasahero at sitwasyon ng mga paliparan bilang pagtalima sa “Air Passenger Bill of Rights.”
Sinabi pa ng opisyal na bumaba rin ang presyo ng aviation fuel kaya’t asahan ang pagbaba ng fuel surcharge sa susunod na buwan.