Inilagay ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang 42 commercial operating airports sa high alert bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong kapaskuhan.
Ayon sa CAAP, nakikipag-ugnayan na sila sa mga kinauukalang ahensya ng gobyerno at airline upang palakasin ang kanilang mga tauhan dahil sa inaasahang aabot sa 7% hanggang 10% ang itataasng bilang ng mga pasahero.
Batay sa datos ng CAAP, nasa 16-M na pasahero ang bumiyahe sa mga paliparan mula Enero hanggang Oktubre.
Nagpaalala naman ang ahensya sa mga biyahero na huwag magdala ng mga ipinagbabawal na gamit sa paliparan at itago ang mga gamit sa bagahe para sa mas mabilis na pagproseso sa mga screening checkpoint. —sa panulat ni Jenn Patrolla