Ibinunyag ng mga Pilipinong mangingisda mula sa Puerto Princesa na may ilang aktibidad na ginagawa ang mga Chinese vessel malapit sa spratly islands.
Ayon sa mga mangingisda, posibleng bumubuo ang mga ito ng artificial island dahil gabi-gabi nilang nakikitang nagbubuhos ng mga bato ang mga Chinese kung saan, namataan sa nasabing lugar ang tinatayang 30 vessel na may bandila ng China sakay ang ilang mga materyales.
Iginiit ng mga mangingisda na nangangamba sila sa kanilang nasaksihan dahil wala rin silang nakitang presensya ng Philippine Coastguard.
Matatandaang, una nang kinumpirma ng AFP na kamakailan ay may presensya ng hindi mabilang na Chinese vessels sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea (WPS).