Pinapayagan ang paglalakad-lakad, pagtakbo at pagbibisikleta habang nasa dalawang linggong Enhanced Community Quarantine o ECQ ang Metro Manila mula ngayong araw hanggang 20 ng Agosto.
Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque, papayagan ang mga residente na gawin ito ngunit dapat nasa sariling barangay lamang.
Sinabi pa ni Roque, na kinakailangan rin mag-exercise ng mga residente lalo na’t nahaharap ang bansa sa matinding COVID-19 pandemic.
Sa kabilang banda, ipinagbagbabawal naman ang basketball, swimming at paglalaro ng tennis sa court habang naka-ECQ ang Metro Manila.