Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng korte ang ilang akusado na nagpakalat ng iligal na droga sa 2016 Close Up Forever Summer concert sa MOA, Pasay City noong May 2016 na ikinasawi ng limang (5) katao.
Himas rehas habambuhay ang mga akusadong sina Marc Deen at Seergeoh Villanueva.
Samantala, 20 taon namang pagkakakulong ang hatol ng Parañaque RTC sa tatlo pang akusado na sina Erica Valbuena, Thomas Halili at Martin Dimacali.
Ang mga akusado ay una nang kinasuhan ng NBI noong 2016 matapos silang maaresto at matukoy na pinagmulan ng iligal na droga sa naturang summer concert.
Matapos mahatulan, ipinag-utos na rin ng Korte na mailipat ang apat na lalaking akusado sa National Bilibid Prison (NBP) habang ang babaeng akusado ay dadalhin sa Women’s Correctional.
—-