Inaabot ng hanggang sa apat na oras ang paghihintay ng ilang mga ambulansya sa labas ng Bulacan Medical Center para lamang mabigyan ng atensyong medikal ang kani-kanilang mga dalang pasyente.
Mababatid na habang nakapila ang mga ambulansyang ito, sinusuri naman ng mga medical workers ang mga pasyente sa loob nito.
Habang ang iba namang mga pasyente naghihintay na ma-admit sa ospital ay naghihintay pa ng kanilang kapalaran sa mga inilaang tents.
Sa pinakahuling tala ng provincial government ng Bulacan, umaabot sa 300 kaso ng COVID-19 ang naitatala kada araw dahilan para magkaroon ng kakulangan sa mga COVID-19 beds sa probinsya.