Aprubado sa House Ad hoc Committee on the Bangsamoro Basic Law ang ilang mga amyendang inihain ni Zamboanga City Rep. Celso Lobregat para sa BBL.
Isa na rito ang pagbabago sa sahod ng mga miyembro ng Bangsamoro Parliament kung saan ang chief minister ay makatatanggap na ng salary grade 31, salary grade 28 naman ang sa mga deputy chief ministers, at salary grade 27 ang sa mga parliamentary members.
Aprubado rin ang rekomendasyon ni lobregat na magtalaga ng pinakamatandang deputy chief minister bilang pansamantalang hahalili sa chief minister sa oras na ito’y magbitiw sa tungkulin, pumanaw, o mabaldado.
Inaprubahan din ang pagtatanggal ng Article 7 Section 10 kung saan nakasaad ang budget sana para sa Bangsamoro Electoral Office.
By Jill Resontoc / Avee Devierte