Bumiyahe na pabalik ng kani-kanilang bansa ang ilang world leaders matapos dumalo sa APEC Summit.
Kabilang dito sina Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, President Michelle Bachelet ng Chile na siyang unang dumating sa bansa at nagsagawa muna ng kauna-unahang state visit sa Pilipinas bago dumalo sa APEC.
Umalis na rin ng Pilipinas kagabi sina Vietnam President Truong Tan Sang, Colombian President Juan Manuel Santos, Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei at Chinese President Xi Jinping.
Ngayong araw na ito inaasahan naman ang pagbiyahe pabalik ng kani-kanilang teritoryo sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau at US President Barrack Obama gayundin ang iba pang heads of state.
By Judith Larino