Nagmahal na ang tikoy ilang araw bago ang Chinese o lunar new year.
Dahil sa nagmahal na asukal at iba pang sangkap, lima hanggang sampung piso ang itinaas ng presyo ng tikoy depende sa laki, klase at flavor.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Divisoria at Binondo, Maynila, nasa 85 pesos na maliit na kahon ng tikoy mula sa dating 70 pesos.
Naglalaro sa 120 hanggang 130 pesos ang medium size mula sa dating 110 pesos habang umakyat sa 200 pesos ang large kumpara sa dating 180 pesos.
Kamakailan ay inihayag ng Department of Agriculture (DA) na nasa 90 hanggang 110 pesos na ang kada kilo ng asukal na primera; 83 hanggang 95 pesos ang kada kilo ng segunda habang 80 hanggang 97 pesos ang pula o brown sugar.