4 na estudyante ang nasawi matapos sumalpok ang sinasakyang van sa sinusundang truck sa Tayabas City, Quezon Province ilang araw bago ang face-to-face classes sa Agosto a-22.
Sa imbestigasyon ng Tayabas Police, ang mga bikitimang nasawi ay nasa edad disi-otso hanggang bente-tres na pawang mga residente ng Candelaria, Quezon.
Ayon sa mga otoridad, galing Lucena City ang van na sinasakyan ng mga biktima at mabilis ang takbo nito habang patungo sa Candelaria nang sumalpok ito sa sinusundang forward truck sa paakyat na bahagi ng highway sa barangay Calumpang.
Sa naging pahayag ng driver ng truck, mabigat ang kanilang karga kaya’t hindi niya namalayan ang pagsalpok ng van kung saan, inakala niyang pumutok lang ang 1 gulong sa hulihang bahagi ng truck.
Sinabi pa ng driver na hindi niya itinabi ang truck na kaniyang minamaneho at nakita na lamang niya sa side mirror na kaladkad na nila ang naturang van.
Hawak ngayon ng Tayabas Police ang truck driver para sa kaukulang kaso at imbestigasyon.