Apektado na rin ng African Swine Fever ang lalawigan ng Benguet.
Ayon kay Benguet Governor Melchor Diclas, nahawa ang mga baboy matapos umanong may magpuslit ng mga baboy na positibo sa ASF mula sa Pangasinan.
Inorder umano ang naturang mga baboy online kaya hindi ito dumaan sa checkpoint at wala ring kaukulang papeles.
Dahil dito, pinatay na ang 100 baboy para maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.
Ipinag utos naman ng pamahalaang panlalawigan ng Benguet ang lockdown sa mga papasok na baboy sa probinsya.
Bumuo na rin ng task force ang Department of Agriculture sa probinsiya upang mapigilan ang pagkalat ng ASF.