Apektado na rin sa African Swine Fever (ASF) ang lalawigan ng Isabela.
Ayon kay Provincial Veterinary Officer Dr. Angelo Naui, nagpositibo sa ASF ang ilang alagang baboy na namatay sa tatlong barangay sa Mallig at isang barangay sa Quirino.
Agad namang isinailalim sa culling ang mga apektadong baboy upang hindi na makahawa pa.
Kaugnay nito, agad na nagpatupad ng checkpoint sa mga apektadong barangay kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok at paglalabas ng mga baboy.