Patuloy na nakararanas ng frost o andap ang ilang bahagi ng Atok, Benguet kung saan natatakpan ng manipis na yelo ang mga tanim.
Ayon sa PAGASA, normal nang nakakaranas ng andap ang antok tuwing Enero hanggang Marso.
Sa Bontoc, Mountain Province naman, bumagsak sa 12°C ang temperatura, dahilan kaya’t nababalot ng makakapal na hamog ang bayan kaya’t para tapatan ang lamig ay napilitan ang ilang residente na mag-bonfire.
Nasa 10°C naman ang temperaturang naranasan ng ilang lugar pa sa Mountain Province.