Nagpatupad ng forced evacuation ang mga otoridad sa Bacolod City dahil sa naranasang matinding pagbaha kagabi.
Ayon sa Bacolod City Disaster Risk Reduction and Management Office umabot sa 15 talampakan ang taas ng baha sa ilang bahagi ng lungsod dulot ng malakas na pag-ulang naranasan duon.
Paliwanag PAGASA, epekto ito ng Low Pressure Area na nagdadala ng malalakas na pag ulan sa Visayas.
Dahil dito, marami ring residente ang naistranded dahil sa hindi na madaanan ng mga sasakyan ang mga kalsada.
SMW: RPE