Posibleng ilagay na sa mas maluwag na quarantine pagsapit ng July 16 ang 80% ng bansa.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, chief implementer ng National Action Plan Against coronavirus disease 2019 (COVID-19), nakadepende pa rin naman ito sa ilalabas na analytics ng Department of Health (DOH).
Gayunman, malaki anya ang posibilidad na malaking bahagi ng bansa ang mailagay na sa modified general quarantine dahil sa matagumpay na implementasyon ng phase one ng national action plan laban sa COVID-19.
Sinabi ni Lorenzana na mas maraming pagbabago sa ilalim ng MGCQ dahil mas marami nang tao ang makakalabas, magdaragdag ng transportasyon at maging ang mga simbahan ay magbubukas na rin.