Nalubog din sa baha ang ilang bahagi ng lalawigan ng Bulacan dahil sa malakas na ulang dala ng bagyong Karding.
Ayon kay Bulacan Governor Daniel Fernardo, kabilang sa pinaka-matinding nalubog ang Bayan ng San Miguel.
Bagaman, nagpadala na sila ng rescue team sa naturang lugar, aminado si Fernando na kasalukuyan nilang hindi ma-contact ang mga miyembro ng team.
Samantala, inaalam na rin nila ang sitwasyon sa bayan ng Doña Remedios Trinidad na binayo naman ng malakas na hangin.