Nakatakdang ipasubasta ng gobyerno ang ilan pang bahagi ng Fort Bonifacio sa Taguig City.
Ayon kay Bases Conversion and Development Authority President Arnel Casanova, aabutin ng 47 Billion Peso ang halaga ng 47 hectare property sa the Fort sa loob lamang ng 6 na buwang panunungkulan ni President-elect Rodrigo Duterte.
Unang i-o-auction ang 5-hectares na bahagi ng 47-hectare land matapos ibasura ng Supreme Court ang claim ng isang retiradong navy officers noong Pebrero.
Patuloy namang i-de-develop ng BCDA ang Clark Green City sa Pampanga at sa katunayan isang master plan ang inilatag kasama ang Japanese Overseas Infrastructure Investment Corporation for Transport and Urban Development.
Nagpahayag na ng interes sa naturang proyekto ang mga kumpanyang Mitsubishi, Hitachi, Sumitomo, Mitsui ng Japan; Sojitz Corporation at Schneider Electric at Aegis ng Europa.
By: Drew Nacino