Wala pa ring power supply ang ilang bahagi ng Northern Luzon matapos manalasa ang Bagyong Ompong.
Ayon sa National Electrification Administration, 14 na electric cooperatives kabilang ang INEC, ISECO, LUECO, CAGELCO 1 at NUVELCO ang naapektuhan ng bagyo sa 12 na lalawigan.
Posibleng abutin ng isang buwan bago tuluyang maibalik sa normal ang supply ng kuryente habang maaaring hanggang isang linggo lamang para sa ilang kooperatiba.
Naka-depende ito kung gaano kabilis ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagsasaayos ng mga nasirang powerlines.
Gayunman, kahit maisaayos ng NGCP ang lahat ng power line, hindi ito mangangahulugan na magkakaroon na ng supply ng kuryente.
—-