Nawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Iloilo province ngayong araw.
Ayon sa anunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines, magkakaroon ng maintenance activity ang single station kaya pansamantalang mawawalan ng power ang Iloilo Electric Cooperative 2 Paasi at Calino Substations.
Dahil dito, walang kuryente mula kaninang 6:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ang mga bayan ng Sta. Barbara, Cabatuan, Oton, Tigbauan, Miagao at San Miguel.