Nalubog sa baha ang ilang bahagi ng Metro Manila bunsod ng malakas na ulan dulot ng thunderstorm, kaninang hapon.
Dakong ala singko ng hapon nang bumuhos ang malakas na ulan sa kalagitnaan ng rush hour.
Ayon sa MMDA, kabilang sa mga nalubog ang Araneta Avenue-Victory northbound at southbound; Quezon boulevard-España mula Lacson hanggang Blumentritt eastbound at westbound; Rizal Avenue-R Papa northbound at southbound; Panay Avenue sa pagitan ng Scout Albano at Sergeant Esguerra; EDSA Pasong Tamo southbound at northbound at Quezon Avenue-Biak na Bato eastbound at westbound.
Nagdulot din ng matinding traffic ang malakas na pag-ulan na nag-resulta sa pagka-stranded ng maraming pasaherong papauwi mula sa trabaho at eskwela.