Sa nakalipas na halos dalawang linggo, muling nalubog sa baha bunsod ng malakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng lalawigan ng Cebu.
Kabilang sa mga binaha ang ilang barangay sa Naga City kung saan dalawang sasakyan ang inanod ng rumaragasang tubig.
Ayon sa LGU ng Naga City, nasa 100 residente ang apektado ng flashfloods.
Umapaw naman ang Mantayupan Falls sa Bayan ng Barili ilang minuto pa lamang matapos ang malakas na ulan.
Inihayag ni Barili Mayor John-John Garcia na agad silang namahagi ng tulong sa mga apektadong residente habang ina-assess na nila ang pinsala sa pagbaha.