Makakaranas ng pagka-antala sa suplay ng tubig ang ilang bahagi ang Antipolo City, Bayan ng Cainta, Binangonan at Taytay, Rizal mamayang gabi.
Ayon sa Manila Water, ang bahagi ng Barangay Mayamot kabilang ang Tocs Avenue, Summerville, Tres Hermanas 1 to 5; Crestview Subdivision at Oro Vista 2 ay mamawalan ng tubig mula mamayang 9:00pm hanggang 2:00am ng April 22. Dahil sa maintenance works.
Magkakaroon din ng water interruption mula mamayang 10:00pm hanggang 4:00am sa Barangay San Carlos, Binangonan dahil sa naka-iskedyul na interconnection activity malapit sa lugar at Barangay Pag-Asa dahil sa leak repair.
Mula mamayang 11:00pm hanggang 4:00am naman mawawalan ng tubig sa Barangay San Andres at Barangay San Juan dahil sa pagsasaayos ng line meter at strainer ng Manila Water.
Pinaalalahanan naman ng Manila Water ang mga konsyumer nito na mag-imbak ng tubig bago ang naturang service cut-off.