Nawasak ang ilang bahagi ng Legazpi airport bunsod ng naranasang malakas na hangin at matinding pag-ulan sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong ‘Tisoy’ sa Albay.
Ayon kay Albay Governor Al Francis Bichara, bumagsak ang kisame at natanggal ang mga bintana ng Legazpi airport.
TINGNAN: Legazpi City Domestic Airport lubhang napinsala ng #TisoyPH, ngayong umaga ng Martes, December 3 (: Bravo Dos Quatro Diaz) | via PIA Albay/Facebook pic.twitter.com/sEUhXeJ0uK
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 2, 2019
May mga bahagi rin aniya ng dingding ng paliparan ang nawasak at ilang mga salaming nabasag.
Isa ang Albay sa mga naapektuhan ng tinatawag na eyewall ng Bagyong ‘Tisoy’ na siyang ikinukunsidera ng PAGASA bilang pinakamapaminsalang bahagi ng bagyo.