Tinamaan ng magnitude 3 na lindol ang bayan ng Carigara sa lalawigan ng Leyte ngayong araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), namataan ang sentro ng pagyanig limang kilometro katimugan ng nasabing bayan.
Bagama’t mahina lamang ang lindol, naramdaman pa rin ang intensity 3 na pagyanig sa Kananga Leyte gayundin sa Ormoc City.
Tectonic ang origin ng lindol at wala namang naramdamang aftershocks pagkatapos nito.
By Jaymark Dagala